May mga balita na hindi ako karapat dapat na maging Bayani. Hindi raw kasi ako lumaban ng literal para sa aking bayan. Kasama na rito ang pag kwekwestyon sa aking pagka-lalake. Maraming kumakalat na may mga love letters ako kung kani-kanino, tulad nalamang kay Ferdinand Blumentritt. Makikita rin naman sa Trilogy ng aking mga blog (Alpha Sigma G?, Marka ng Tunay na Bayani..., Huwag Diyan, May Kiliti Ako Diyan...) ang istorya na aking buhay at ang nature ng aking pagka-lalake. Ang masasabi ko lang, “The pen is mightier than the sword,” ito ang aking motto. Ayaw ko ng
Dahil mag-tatapos na ang yugto na aking buhay sa blogspot na ito, ninanais ko lamang malaman ng buong Pilipinas na ako ay isang tunay na Bayani. Bayani na nag mamahal ng kanyang lupang sinilangan. Kung bibigyan man ako uli ng pagkakataon, mag susulat pa ako ng mas maraming libro para sa aking bayan. At para sa aking huling paalam, sa aking mga taga-hanga at sa mga nag nanais rin maging bayani, ang masasabi ko lang ay hindi lahat naidadaan sa marahas na labanan. Minsan kinakailangan din na maganda ang kalalabasan ng iyong kasaysayan. Kaya naman hindi ko na inilantad ang tunay na pangyayari ng buhay ko sa librong nag ngangalang “Huwag Diyan, May Kiliti ako diyan!” Dahil magaling akong makata, hayaan na lamang natin na ganito. Ako si Crisostomo Ibarra, Bayani ako, Maganda ang katawan ko, Lalake Ako!
No comments:
Post a Comment