Friday, December 25, 2009

Marka ng Tunay na Bayani...

Malapit nanaman ang araw ng kapaskuhan at kasabay nito ay ang araw ng aking kapanganakan. Kaya naman sa parating kong kaarawan, sabi sakin ng aking magulang, “anak panahon na para ikaw ay maging isang tunay na Bayani.”

Ano nga ba ang marka ng pagiging tunay Bayani? Ito ang unang tanong na pumasok sa isip ko. Para sa akin ang tunay na bayani ay siyang walang kinakatakutan, palaban sa kahit ano man. Ang tunay na bayani ay siyang nirerespeto ng lahat. Kaya naman inakala kong reregaluhan nila ako ng babae para sa aking kaarawan. Ngunit mas malala pa pala ang aking matatangap bilang regalo, ito ay libreng tuli.

Mag kasamang kaba, takot, tuwa at kabaliwan ang aking nararamdaman sa mga araw na yon. Sabi ko sa aking sarili, ito ay isang “once in a life time opportunity” kaya naman sisiguraduhin ko na perpekto at handa ang lahat.

Una sa aking mga problema ay ang aking abnormally small genitalia. Nung ako ay pinangank, akala nila ay isa akong baby girl sapagkat hindi nila “ito” makita. Kaya naman pinangalanan akong Pepe sa aking binyag. Ilang linggo rin akong nag ehersisyo upang masolusyunan ang problemang ito ngunit sa kasamang palad halos walang improvement. Kaya naman uminom nalamang ako ng pinag babawal na gamot, itago nalang nating sa pangalang Viagra. Plinano ko ring gumamit ng kamatis imbis na dahon ng bayabas dahil sa dalawang rason. Una, pag nangangasim ang aking mukha sa takot, masasabi kong dahil sa asim ng kamatis iyon. Pangalawa, pag nangamatis ang aking genetalia pag tapos ng pag tuli, eh kamatis yung ginamit ko pang dura eh kaya naging ganyan.

Dec 25, araw ng pag tutuli. Heto na si mang Gugulok at inalabas niya ang kaniyang malaking gulok at lahat kami ay napatulala sa takot. “Huwag kayong mag alala,” sabi ni mang Gugulok, “maliit pa itong dala ko.” Handa na ang lahat, nakaupo na ako sa upuan at inilapag ko ang aking genitalia sa mesa. At dahil sa aking pag inom ng gamot namighani silang lahat, at napatulala si mang Gugulok. “Tama ka nga mang, maliit pa yang dala mo” bigkas ko sakanya. Hindi ko lang alam na dahil sa aking gamot ay lalong tumaas ang aking kakayahang pumakiramdam, heightened senses kumbaga. At pag palo ni mang Gugulok, sa sobrang sakit ay ako ay hinimatay. Pag kalipas ng ilang linggo, ng ako ay magising nakita ko nalamang na nawalan na ng bisa ang aking gamot. Oo natuli nga ako, ngunit nalaman rin ng aming sambayanan ang aking pinakatatagong sikreto.

Noon ko nalaman na hindi sa tapang o sa respeto lamang masusukat ang pagiging tunay na Bayani. Hindi rin sa pagiging handa at pagka-perpekto ng mga pangyayari. Ang pagiging tunay na Bayani ay ang pag marka mo ng iyong sarili sa kasaysayan.

No comments:

Post a Comment