Thursday, March 4, 2010

Laban Katipunan! LABAN!!!

Iyan ang karaniwang isinisigaw ng mga kasapi ng KKK kapag nakikipaglaban. Natuto akong lumaban dahil sa grupong ito. Syempre, hindi lang naman sa pagsusulat ko gustong maipagtanggol ang aking minamahal na bansa. Lalaban din ako.

 

Naalala ko, dati, kung anu-ano ang ginawa kong preparasyon para sa unang laban namin. Nag ehersisyo ako ng bonggang bongga sa pamamagitan ng pagakyat sa puno ng niyog at pagtakbo ng 10 kilometro bawat araw. Inihanda ko rin ang mga kagamitang kakailanganin ko sa laban. Nandyan ang aking sword, shield, helmet, at knight armor costume.

 

Ngunit nadismaya ako dahil sa araw ng unang paglalaban, pinagtawanan ako ng aking mga kasamahan. Paano, ang duwag ko raw kasi. At yung iba, niloko pa akong bakla. Eh malay ko bang hindi naman pala kailangang todo costume sa laban. Nalungkot tuloy ako. Sinabihan ako nina Bonifacio at Arellano na magbihis at ang tanging weapon na kailangan lang daw ay ang sword o axe.

 

Hindi pa rin tumigil ang aking mga kamiyembro sa pang-iinis sa akin kung kaya't sumama ang loob ko. Naapektuhan ako masyado (sorry, madrama akong tao) kaya lahat ng mga nakalaban kong guwardya, nasindak. Inisip ko kasi, sila ang mga kaibigan kong nantutukso sa akin ng bakla/duwag. Hindi ko inakalang ganoon ang mangyayari. Manghang-mangha ako sa sarili ko. Napakagaling ko pala! Napagtanto ko na mas magaling ako kapag inis, kasi may paghuhugutan ng galit.

 

Matapos ang laban, lumapit ang mga kamiyembro ko at pinuri nila ang aking galing. Kahit na medyo inis pa rin ako sa kanila, hinayaan ko nalang at tinanggap ang kanilang mga papuri. Ngunit may sorpresa pala silang inihanda sa akin bilang paghingi ng paumanhin. Aba, nagluto ang mga loko ng paborito kong Adobo! Eh di napakasaya talaga ng araw kong iyon. Hindi lang kami nanalo sa laban. Nagkaayos din kami ng aking mga kaibigan, at nakakain pa ako ng all-time favorite kong mhmmmm.. Adobo!!!

No comments:

Post a Comment