Ilang sandali na lang ako'y mamamatay na. At paano ko alam? Dahil ako ay nahatulan na ng mga Kastilang sinasabing ako daw ay kaaway nila. Masama bang maghangad ng maganda para sa bayan? Kung tutuusin ay hindi ako kagaya ng iba tulad ni Andres Bonifacio na ang paraan upang makamit ang kalayaan ay madugong rebolusyon. Wala akong bolo, at mas lalong wala akong baril. Ang tanging sandata ko lamang ay pira-pirasong papel at panulat, ngunit bakit nabibilang ko na aking huling mga hininga? Nais ko lamang mapabuti ang Pilipinas, na tayo ay maging isang probinsya ng Espanya at mabigyan ng parehong mga karapatan at hindi tratuhin na parang ipis sa kalye lamang. Dahil ba tayo ay kayumanggi, maliit, at hindi sing tangos ng ilong ay tayo ay kaapi-api na? Sabi nga ni Levinas "the Other is the sole being that we wish to kill." Ngunit dahil kailan man ay hinding hindi mo lubusang makikilala ang iba, matatakasan ka niya. Gustuhin mo mang makilala siya ay di mo ito magagawa dahil ang alam mo tungkol sa kanya ay hindi na sa kanya kung hindi sa iyo na. Ang iba ay hindi bahagi ng iyong oras, hindi mo kailan man siya makakasama. Sabi ni Levinas na ang tamang pagtingin sa iba ay tingnan siya hindi bilang isang "horizon," dahil ang horizon ay nag-iisa lang, ito ay isang hangganan. Ang katangian ng iba ay lumalampas pa sa horizon, ito ay hindi nating nakikita; at sa ganitong paraan ng pagtingin sa kanya, doon natin nirerespeto ang kanyang pagkatao. Maaring dayuhan pa sa kaisipan ng mga Kastila ang pilosopiya ni Levinas dahil nag-aasal sila na parang Hitler na pinapatay ang lahat ng na-iiba sa kaniya dahil sa hindi pagkakaintindi na na-iiba ang iba sa kanya.
Sa ganitong respeto, nais kong ibigkas ang huli kong salita: "Hindi ako mamamatay." Hindi ako mamamatay dahil ako ay ang iba at sa ganitong paraaan palagi, palagi kong matatakasan ang mga Kastila.
Thursday, March 18, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment