Thursday, March 18, 2010
Huling Paalam
Sa ganitong respeto, nais kong ibigkas ang huli kong salita: "Hindi ako mamamatay." Hindi ako mamamatay dahil ako ay ang iba at sa ganitong paraaan palagi, palagi kong matatakasan ang mga Kastila.
Tuesday, March 16, 2010
Huwag Diyan, May Kiliti Ako Diyan….
May mga balita na hindi ako karapat dapat na maging Bayani. Hindi raw kasi ako lumaban ng literal para sa aking bayan. Kasama na rito ang pag kwekwestyon sa aking pagka-lalake. Maraming kumakalat na may mga love letters ako kung kani-kanino, tulad nalamang kay Ferdinand Blumentritt. Makikita rin naman sa Trilogy ng aking mga blog (Alpha Sigma G?, Marka ng Tunay na Bayani..., Huwag Diyan, May Kiliti Ako Diyan...) ang istorya na aking buhay at ang nature ng aking pagka-lalake. Ang masasabi ko lang, “The pen is mightier than the sword,” ito ang aking motto. Ayaw ko ng
Dahil mag-tatapos na ang yugto na aking buhay sa blogspot na ito, ninanais ko lamang malaman ng buong Pilipinas na ako ay isang tunay na Bayani. Bayani na nag mamahal ng kanyang lupang sinilangan. Kung bibigyan man ako uli ng pagkakataon, mag susulat pa ako ng mas maraming libro para sa aking bayan. At para sa aking huling paalam, sa aking mga taga-hanga at sa mga nag nanais rin maging bayani, ang masasabi ko lang ay hindi lahat naidadaan sa marahas na labanan. Minsan kinakailangan din na maganda ang kalalabasan ng iyong kasaysayan. Kaya naman hindi ko na inilantad ang tunay na pangyayari ng buhay ko sa librong nag ngangalang “Huwag Diyan, May Kiliti ako diyan!” Dahil magaling akong makata, hayaan na lamang natin na ganito. Ako si Crisostomo Ibarra, Bayani ako, Maganda ang katawan ko, Lalake Ako!
Monday, March 8, 2010
National Hero? Not my plan...
Thursday, March 4, 2010
Laban Katipunan! LABAN!!!
Iyan ang karaniwang isinisigaw ng mga kasapi ng KKK kapag nakikipaglaban. Natuto akong lumaban dahil sa grupong ito. Syempre, hindi lang naman sa pagsusulat ko gustong maipagtanggol ang aking minamahal na bansa. Lalaban din ako.
Naalala ko, dati, kung anu-ano ang ginawa kong preparasyon para sa unang laban namin. Nag ehersisyo ako ng bonggang bongga sa pamamagitan ng pagakyat sa puno ng niyog at pagtakbo ng 10 kilometro bawat araw. Inihanda ko rin ang mga kagamitang kakailanganin ko sa laban. Nandyan ang aking sword, shield, helmet, at knight armor costume.
Ngunit nadismaya ako dahil sa araw ng unang paglalaban, pinagtawanan ako ng aking mga kasamahan. Paano, ang duwag ko raw kasi. At yung iba, niloko pa akong bakla. Eh malay ko bang hindi naman pala kailangang todo costume sa laban. Nalungkot tuloy ako. Sinabihan ako nina Bonifacio at Arellano na magbihis at ang tanging weapon na kailangan lang daw ay ang sword o axe.
Hindi pa rin tumigil ang aking mga kamiyembro sa pang-iinis sa akin kung kaya't sumama ang loob ko. Naapektuhan ako masyado (sorry, madrama akong tao) kaya lahat ng mga nakalaban kong guwardya, nasindak. Inisip ko kasi, sila ang mga kaibigan kong nantutukso sa akin ng bakla/duwag. Hindi ko inakalang ganoon ang mangyayari. Manghang-mangha ako sa sarili ko. Napakagaling ko pala! Napagtanto ko na mas magaling ako kapag inis, kasi may paghuhugutan ng galit.
Matapos ang laban, lumapit ang mga kamiyembro ko at pinuri nila ang aking galing. Kahit na medyo inis pa rin ako sa kanila, hinayaan ko nalang at tinanggap ang kanilang mga papuri. Ngunit may sorpresa pala silang inihanda sa akin bilang paghingi ng paumanhin. Aba, nagluto ang mga loko ng paborito kong Adobo! Eh di napakasaya talaga ng araw kong iyon. Hindi lang kami nanalo sa laban. Nagkaayos din kami ng aking mga kaibigan, at nakakain pa ako ng all-time favorite kong mhmmmm.. Adobo!!!