Alam mo naman kung gaano ko kamahal ang baying ito, kaya naman gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang maipagtanggol ko ito mula sa kanyang mga mananakop. Isang paraan para magawa ko ito ay ang pagsulat ng mga nobela… mahahabang nobela. Diba ang gaganda nila? Ngunit, Kailangan Kong Kumilos (KKK). Sa tingin ko, kailangan ko din makisama sa aking mga kababayan sa pamamagitan ng pagsali sa KKK, ang grupo nila Andres Bonifacio. Sa pagsali ko dito hindi lamang ako makikibahagi sa isang bagay na makakatulong sa aking bayan upang makamit ang kalayaan, ngunit maipapakita ko rin ang galing ko sa pakikidigma. (Kalakasan) Maliit nga ako ngunit ang lakas ko ay walang katulad. Tiyak na bibilib silang lahat sa akin. Ang laki din kaya ng katawa ko, di lang halata. Ito na talaga ang pagkakataon ko.
Sa unang araw ng aking pagsali sa samahang ito. kinailangan kong makisama sa pamamagitan ng ‘blood compact’. (Kinabahan) Hindi ko ito inasahan kaya naman muntik na akong himatayin –(hindi nila alam na sa loob ng malaki kong pangangatawan, ako pala ay may pusong Maria Clara). Nahilo lamang ako. Buti nalang dahit nakakahiya talaga kung sakaling himatayin ako doon. (Kakahiya)
-Paola Balmaceda
No comments:
Post a Comment