kaninang umaga sinamahan ko si nanay sa palengke upang mamili para sa aming kakainin sa noche buena. sa palaengke nakita kong maraming mga parol at makukulay na mga ornamento para sa pasko. aba! hindi naman ata pahuhuli ang magaling na pepe! iniyakan ko si nanay na bilhan ako ng materyales! lahat na ata ng tao nagsisitinginan pero wala akong pake sa kanila ano! gusto kong ipakita ang galing ko. eh siyempre, short ang badyet ni nay kaya ang afford lang namin eh yung mga plastic straw. gagawa raw kami ng parol. eww gaya nung sa may manila bay?
pagkauwing pagkauwi ay madali kong inilabas ang aking gunting, wala kaming pandikit, sabi ni nanay laway at kanin nalang daw.hay, mahirap talaga pag marami kayong magkakapatid at kukulangin talaga ang badyet pag pasko para lang makakain lahat ng noche buena. oh well. ayun, nagsimula na ako. halos buong araw akong nagsusumikat na gumawa ng parol, naubusan na ako ng laway at hinabol ba ako ni inay dahil mauubos ko na raw ang sinaing niyang kanin. sa huli eh nakabuo naman ako ng parol. yun nga lang.. 2d. hindi 3d. pinagdikit dikit ko lang ang 10 straw, eh yun nalang kasi yung natira, ayaw ko namang pahiyain si inay at walang magawang parol kahit papaano.
natuwa naman si nanay. i think. i think lang ha. alam naman natin ang mga nanay. fickle pag dating sa anak, eh sabi nga niya sa akin nung isang araw may pagasa pa akong maging basketball star tulad nalang ng idol ko na si chris tiu!
Saturday, December 26, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-arianne co
ReplyDelete