Saturday, December 26, 2009

gusto ko ng star. basketball star.

kaninang umaga sinamahan ko si nanay sa palengke upang mamili para sa aming kakainin sa noche buena. sa palaengke nakita kong maraming mga parol at makukulay na mga ornamento para sa pasko. aba! hindi naman ata pahuhuli ang magaling na pepe! iniyakan ko si nanay na bilhan ako ng materyales! lahat na ata ng tao nagsisitinginan pero wala akong pake sa kanila ano! gusto kong ipakita ang galing ko. eh siyempre, short ang badyet ni nay kaya ang afford lang namin eh yung mga plastic straw. gagawa raw kami ng parol. eww gaya nung sa may manila bay?

pagkauwing pagkauwi ay madali kong inilabas ang aking gunting, wala kaming pandikit, sabi ni nanay laway at kanin nalang daw.hay, mahirap talaga pag marami kayong magkakapatid at kukulangin talaga ang badyet pag pasko para lang makakain lahat ng noche buena. oh well. ayun, nagsimula na ako. halos buong araw akong nagsusumikat na gumawa ng parol, naubusan na ako ng laway at hinabol ba ako ni inay dahil mauubos ko na raw ang sinaing niyang kanin. sa huli eh nakabuo naman ako ng parol. yun nga lang.. 2d. hindi 3d. pinagdikit dikit ko lang ang 10 straw, eh yun nalang kasi yung natira, ayaw ko namang pahiyain si inay at walang magawang parol kahit papaano.

natuwa naman si nanay. i think. i think lang ha. alam naman natin ang mga nanay. fickle pag dating sa anak, eh sabi nga niya sa akin nung isang araw may pagasa pa akong maging basketball star tulad nalang ng idol ko na si chris tiu!

Friday, December 25, 2009

Marka ng Tunay na Bayani...

Malapit nanaman ang araw ng kapaskuhan at kasabay nito ay ang araw ng aking kapanganakan. Kaya naman sa parating kong kaarawan, sabi sakin ng aking magulang, “anak panahon na para ikaw ay maging isang tunay na Bayani.”

Ano nga ba ang marka ng pagiging tunay Bayani? Ito ang unang tanong na pumasok sa isip ko. Para sa akin ang tunay na bayani ay siyang walang kinakatakutan, palaban sa kahit ano man. Ang tunay na bayani ay siyang nirerespeto ng lahat. Kaya naman inakala kong reregaluhan nila ako ng babae para sa aking kaarawan. Ngunit mas malala pa pala ang aking matatangap bilang regalo, ito ay libreng tuli.

Mag kasamang kaba, takot, tuwa at kabaliwan ang aking nararamdaman sa mga araw na yon. Sabi ko sa aking sarili, ito ay isang “once in a life time opportunity” kaya naman sisiguraduhin ko na perpekto at handa ang lahat.

Una sa aking mga problema ay ang aking abnormally small genitalia. Nung ako ay pinangank, akala nila ay isa akong baby girl sapagkat hindi nila “ito” makita. Kaya naman pinangalanan akong Pepe sa aking binyag. Ilang linggo rin akong nag ehersisyo upang masolusyunan ang problemang ito ngunit sa kasamang palad halos walang improvement. Kaya naman uminom nalamang ako ng pinag babawal na gamot, itago nalang nating sa pangalang Viagra. Plinano ko ring gumamit ng kamatis imbis na dahon ng bayabas dahil sa dalawang rason. Una, pag nangangasim ang aking mukha sa takot, masasabi kong dahil sa asim ng kamatis iyon. Pangalawa, pag nangamatis ang aking genetalia pag tapos ng pag tuli, eh kamatis yung ginamit ko pang dura eh kaya naging ganyan.

Dec 25, araw ng pag tutuli. Heto na si mang Gugulok at inalabas niya ang kaniyang malaking gulok at lahat kami ay napatulala sa takot. “Huwag kayong mag alala,” sabi ni mang Gugulok, “maliit pa itong dala ko.” Handa na ang lahat, nakaupo na ako sa upuan at inilapag ko ang aking genitalia sa mesa. At dahil sa aking pag inom ng gamot namighani silang lahat, at napatulala si mang Gugulok. “Tama ka nga mang, maliit pa yang dala mo” bigkas ko sakanya. Hindi ko lang alam na dahil sa aking gamot ay lalong tumaas ang aking kakayahang pumakiramdam, heightened senses kumbaga. At pag palo ni mang Gugulok, sa sobrang sakit ay ako ay hinimatay. Pag kalipas ng ilang linggo, ng ako ay magising nakita ko nalamang na nawalan na ng bisa ang aking gamot. Oo natuli nga ako, ngunit nalaman rin ng aming sambayanan ang aking pinakatatagong sikreto.

Noon ko nalaman na hindi sa tapang o sa respeto lamang masusukat ang pagiging tunay na Bayani. Hindi rin sa pagiging handa at pagka-perpekto ng mga pangyayari. Ang pagiging tunay na Bayani ay ang pag marka mo ng iyong sarili sa kasaysayan.

Sunday, December 20, 2009

My first ever poem: The magic of Christmas

The magic of Christmas is in the air
as a little child can only share
at the twinkling lights
and garlands galore
hung here and there throughout the store


Tiny toy soldiers
a huggable bear
colored sleighs
and festive underwear


Don't hold a candel
to the soothing chimes
as this little tyke
returns many times


To the mystery behind
a single nativity scene
musically praising the birth
of an infant called Jesus,
the Lord Supreme.


Christmas has been always the exciting time of the year for me. I get things from my mom and all the places around the world is so bright during Christmas! It's also very colorful and beautiful in Ateneo with its lights all around. I was so inspired by those lights when I was waiting for my mom to pick me up after the school. I am also writing this poem, wondering what I would get for this Christmas. I don't think Grandpa Santa would give me the stickers of Hannah Montana, which I have been asking from her for years. But oh well, Jonas Brothers would do. Hmm, I really hope that this Christmas, I will be able to figure out my lifetime mystery: if it is really Lolo Santa who brought me all the gifts for Christmas, or it is just my mom who thinks that I've never doubted about this whenever she left her bed when Santa came. Either way, if I could just get the stickers of Hannah Montana, I will be very merry this season. I hope it is really merry time for all people, remembering the birthday of baby Jesus. Merry Christmas to all! :)

Thursday, December 10, 2009

Ang Misadventures ni Pepe: Unang Yugto

Kanina habang naglilinis ng kwarto, natagpuan ko ang diary ko noong bata pa lamang ako. Ang unang unang isinulat ko doon ay tungkol sa unang araw ko sa kindergarten. Natuwa ako masyado kaya irerepost ko dito para matuwa rin kayo…

Dear Diary,

Heto na ata ang pinaka masayang araw sa buong buhay ko. Finally, napaamin ko na siya, naipasabi ko na sa aking pinakaminamahal na si KC Conception ang matamis na “ikaw ang mahal ko Pepe, ikaw lang at wala nang iba.” At kung hindi pa sapat yun, unti-unti siyang lumalapit saakin upang ako ay halikan, habang binibigkas ang aking pangalan. “Pepe..Pepe…”

“Pepe!” Napabangon ako bigla sa lakas ng sigaw ni inay. Panaginip lang pala ang lahat. Bad trip. Akala ko makaka-iskor na ko. Tsk. Mabawasan nga ang panonood ng Lovers in Paris. “José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda, bilisan mo na at mahuhuli ka na sa unang araw ng klase!” Dalawang bagay ang pumasok sa isip ko nang sumigaw si inay. Una, tepok na talaga ako at isinigaw na ni inay ang buo kong pangalan, ibig sabihin noon ay nagngangalit na siya sa galit. Pero mas ikinasabik ko ang ikalawang nagabggit ni inay. Unang araw ng klase. Sa wakas, papasok na ako sa school! I mean, oo magaling nga magturo si inay at lahat, pero biruin mo yun, papasok ako sa totoong eskwelahan! Makakahalubilo ako sa mga batang tulad ko.

Wala ng panahon para maligo kaya’t nagsipilyo nalang ako at dali-daling isinuot ang bago kong polo na, salamat kay nanay at sa Tide, ay maaliwalas at maputi. Isinuot ko rin ang bago kong itim na slacks at itim na sapatos. Pagkapanaog ko sa hagdan, abot taingang nakangiti ang nanay sa dulo ng hagdan, habang hawak ang aking backpack sa isang kamay, at ang Power Rangers ko naman na lunch box sa kabila. Tapos, biglang nabura ang ngiti sa mukha niya at dali-daling nagdikit ang kanyang mga kilay. “Anak naman! Hindi ka na nga naligo, hindi ka pa nagsuklay!” halos ibato niya saakin ang aking mga gamit, umalis saglit at bumalik na may hawak na suklay. “Siya nga pala Pepe, binaunan kita ng paborito mong adobo't kanin” ang sabi ni nanay pagkatapos niyang suklayin ang buhok ko, sabay halik sa noo. Pagkatapos noon ay sumakay na ako sa carramota at naglakbay patungong Binan.

Ang “eskwelahan” pala namin ay isang maliit na bahay kubo, na bahay rin pala ng aming guro. Ang unang tanong saakin ng aking guro ay kung marunong daw ba ako mag salita ng Kastila at Latin. Pinagtawanan ako ng aking mga kaklase ng sabin ko na konti lamang ang alam kong bigkasin na mga salita sa nasabing mga wika. Ginatungan pa lalo ng isa kong kaklaseng si Pedro; hindi lang niya ako pinagtawanan ng malakas, idinamay pa niya ang “emo” kong buhok sa usapan. Aba’y masyado na talaga ‘tong batang ito! Kaya noong hapon, habang nag sisiesta ang aming guro, hinamon ko si Pedro sa isang wrestling match at ako ay…NANALO. Akala niyo talo ako noh? Aba’y idol ko ata ang Tiyo Manuel ko!

Madami pa sana akong gustong ikwento tungkol sa unang araw ko sa klase, ngunit tinatawag na ko ni tiya at luto na daw ang hapunan. Oh siya, bukas ko nalang itutuloy.


XOXO, Pepe


Stephanie Oentoro


Sunday, December 6, 2009

Ang Tanging Ina ni Maria Clara

Pia Alba is one of the most discreet characters in my novels Noli Me Tangere, and El Filibusterismo given that she died shortly after giving birth to the beautiful Maria Clara. I've never really paid as much attention to her compared to the other characters in my books who are well... alive, despite her being one of the icons of the malicious abuse that the Spaniard putas did to us. And apparently, as a result, even my precious readers don't take much notice of her either. When I googled the names "Pia Alba," and/or "Donya Pia" the most useful links I can get are oh-so reliable Wikepedia entries, Noli Me Tangere/El Filibusterismo summaries, and character lists wherein she's only briefly described as "Ang masimbahing ina ni Maria Clara." I guess it's not far from my fault if she haunts me in my dreams, and lets me be her on the night the fat and ugly bastardo, Padre Damaso, ehem, raped her... It's not exactly the best wet dream i had in... ever, nor was it a wet dream at all. Trust me when I say "You do not want to here the gory details anymore." I'm gonna go wash my self now...

Adios para ahora, y mis discuplas al Pia Alba.

Thursday, December 3, 2009

Alpha Sigma G?

Sa wakas, nagising narin ako sa aking comatose mula nung ako ay nahospital dahil sa pagbugbog sa akin sa school noong isang araw. Aking isasalaysay ang pangyayari…

Sa aming school, kinikilala ako bilang “boy next door”. Isang innocent looking na lalake na habulin ng sambayanan. Kabilang ako sa debate society, presidente ng Orgs, Quatro Kid at kung ano ano pa. Looks? Yes, and talents too. Kulang nalang sakin ang pagiging athlete kaya naman sa pagkakataong ito ay kinakarir ko ang P.E. Sa kasamaang palad ay naubusan ako ng slot kaya sa ballroom dancing ako napunta. Sa unang meeting namin, sabi ng aming Professor (itago nalang natin sa pangalang GimmeGimme) “Physical fitness is next to Godliness”. Sabay sagot ko naman, “Sir GimmeGimme I don’t think that’s true, I think that it is when we have faith and we believe in the Kingdom of God that we truly become closer to Him”. “Ah but of course tama rin yan, Cleanliness is next to Godliness nga” sagot ni sir. Please see me after class Mr. Pepe…

After class, nalaman ko nalang na si professor GimmeGimme pala ay member ng fraterniting Alpha Sigma Gay. Sabay banat ni prof, “tol nakakalalake ka na ha, bat mo ako pinahiya sa harap ng klase ko kanina, humanda ka ng makatikim”. “Makatikim ng alin” sabi ko sa aking sarili. Biglaan nalang nag kanya kanyang pose ang ilan sa mga studyante. May isa umaastang ahas, mahilig daw kasi manuklaw ang Alpha Sigma Gay at ang paborito nila ang ang mga AlphaMale na tulad ko. Meron ding drunken style, sapagkat pag may tama, hindi mo na alam kung lalaki ba o babae ang kaharap mo. At ang pinaka nakakasindak sa lahat ay ang SexyTime pose na hindi ko maibigkas ang itsura at takot na nararamadaman sa pananalita lamang.

Naisin ko man sanang lumaban, ballpen lamang ang tanging paraan upang ipag tangol ang aking sarili. The pen is mightier than the sword eka nga ngunit sa pagkakataong ito, They are mightier than the sword. Sa sobrang takot ko ay nastroke ako at nawalan ng malay. Kaya heto ako ngaun, kalalabas ng hospital, walang maalala sa mga pangyayari. Pasa pasa ang aking mga pisngi sa mukha at sa tushy. Namamaga ang aking katawan sa ibat ibang parte. Dumudugo ang aking puso at isipan sapagkat God only knows what happened that day and I can only pray na hindi permanent ink ang nakasulat sa aking likuran “Gee Ang Yummy”…

Isang maliit na regalo para sa maliit ba batang tulad ko!

Maggagabi na nang umuwi ako sa amin at habang ako ay naglalakad naramdaman ko ang lamig ng umiihip na hangin. Tumingin ako sa aking paligid at maraming makukulay na parol ang nakasabit. Isa lamang ang ibig sabihin nito, ilang araw na lamang at ipagdiriwang na muli natin ang pasko. Yehey! Naaalala ko na tuwing pasko napakaliwanag ng mga nagkikislapang ilaw sa ating paligid at para bang nakakalimutan ko ang lahat ng problema.Ibang klase talaga! Ang mga tao naman ay masasaya na nagkakantahan, nagdiriwang at nagbibigayan. Isa ito sa mga paboritong araw na inaabangan ko sa pagdating ng katapusan ng taon simula pa noong kabataan ko. Katulad ng aking mga kababata noong panahong ding iyon, ako ay nakaabang sa mga bagong regalong aking matataggap mula sa aking mga magulang, ninong at ninang.

Ako ay isang taong gulang at kalahati noong ipagdiwang namin ang pasko ng taong 1862. Kaming dalawa ng aking nakababatang kapatid na si Concepcion ay sanggol pa lamang kumpara kina Saturnina, Paciano, Narcisa, Olympia, Lucia at Maria. Naparami naming magkakapatid ano?! Kami pa lamang ni Concepcion ang bunso noon, ngunit sa paglipas ng panahon ay darating sina Josefa, Trinidad at Soledad. Haaaaay… Kaya’t wag kang magtataka kung bakit parang nagkakagulo at maingay ang bahay namin, ano pa nga ba?! Kung labing-isa kaming magkakapatid, magulo talaga, parang may giyera parati… pero ang totoo niyan, masaya naman kami! Siguradong nahirapan ng todo ang mga magulang namin na alagaan kami ng aking mga kapatid, lalo na’t sunud-sunod at sabay-sabay kaming lumalaki sa mga panahong iyon.

Hindi tuloy nakapagtataka kung bakit ang unang regalong natanggap ko ay...

isang maliit na arinola.

Ang bunso kasi naming si Concepcion noong panahon na iyon ay ang mas nangangailangan ng ginagamit kong lampin. Malamig pa naman tuwing panahon ng Disyembre kaya lalong naging madalas ang pagpapalit ng

lampin tuwing ito ay nababasa. Kaya naging maaga ang pagtuturo saakin ng aking mga magulang na gumamit ng arinola. Nabanggit ng aking propesor noon sa sikolohiya na ayon sa mga pag-aaral, ang batang maagang tinuruan ng pagamit ng arinola ay lalaking mas responsible, maingat at malinis sa gamit. Marahil ito ang dahilan kung bakit paminsan-minsan ay nagpapakita ako ng senyales nang pagiging “OC” o ‘obsessive compulsive’, hindi lamang sa aking mga gamit o pananamit, ngunit pati rin sa aking pagsulat ng mga nobela. Hindi ko makakalimutan ang regalong ito dahil ito ang isa sa mga unang bagay na aking natutunan bilang isang bata.


Magpapasko nanaman muli, ano nanaman kaya ang regalong matatanggap ko?! Kayo naman, baka sabihin n’yong isip bata ako. Na sa tanda kong ito, regalo pa rin ang inaabangan ko tuwing pasko. Siyempre ako naman ay mamimili rin para sa aking mga inaanak ng kanilang mga regalo. Pero sindali, mukang naitago ko pa ang dati kong arinola, pwede na kaya yun?! Nagtitipid ako eh. Hahaha. Biro lang.

Pero naunawaan ko na na hindi lang mga regalo ang dala ng pasko. Madaming magagandang bagay ang dulot nito para sa bawat isa at sa ating bayan. Kahit isang araw sa isang taon, tayo ay nagkakaisa, nagsasaya at nagmamahalan. Ito ang maliliit na bagay na maaari nating ibahagi sa kapwa. Di ba’t ito ang mas magandang regalo maibibigay natin sa bawat isa?! Kung pwede lang sana araw-araw nalang ay pasko.

Kayo, ano naman ang unang regalong natanggap ninyo sa pasko? Nagdulot ba ito ng epekto sa inyong pagkatao tulad ng saakin?


|Paola Balmaceda|