Para sa mahilig magsulat, sa mahilig mag travel around, sa mahilig sa babae at magbabae, sa pambansang bayani ng Pilipinas, sa binaril sa Luneta at ngayon doo'y may rebulto na, sa mga nakulong sa Fort Bonifacio at ipinatapon sa Dapitan, sa magaling magpinta lalung-lalo na ng pera, sa tatay ni Hitler, sa Diyos ng mga Rizalista, sa mga Katoliko, sa mga makabayang di mahusay sa salitang Pilipino, sa mga marunong mag Espanyol at kung anu-ano pang wika, sa mga elitista, sa mga Atenista, sa mga Thomasian, sa mga may nanay na bulag, sa mga doktor, sa mga may palayaw na Pepe, sa mga ipinanganak sa Calamba, sa mga napagkamalang rebelde, sa mga mahilig kumain ngunit tamad magluto...
...kagaya ko...
...Adobo.
May sikreto ako, huwag niyo lang ipagkakalat. Sa totoo lang kahapon ko pa iniluto ang Adobo na ito. Iniinit ko na lang siya ngayon. Kung sana'y mas madaming putahe na kasing daling lutuin at kasing tagal ng buhay ng Adobo'y edi sana hindi ito ang kinakain ko halos araw-araw. Haaay...
Ngunit ayos lang, masarap naman! Kung sa araw-araw ba naman na ginawa ng Diyos ay nagluluto ka ng Adobo, malamang na-master mo na ang timpla at lasang papatok sa madlang-bayan. Sigurado ako na sa ano mang probinsya ng Pilipinas ay bebenta ang aking Chicken and Pork Adobo, na may tamang asim at alat lang. Kung hindi ako sumikat dahil sa pag-sulat ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo, tiyak na sisikat ako dahil sa manamisnamis kong Adobo. Huwag mo nang tanungin ang recipe at tiyak namang di ko ibibigay! Mas sikretong malupit ko pa ito kaysa sa nakabuntis ako ng isang Aleman at si Hitler ang lumabas... Oops!
Ako po si Pepe. Ako ay 18 taong gulang, kasalukuyan po akong nag-aaral sa Ateneo de Manila University, ako ay nasa kolehiyo na. Ako po ay isang dean’s lister. Sumulat po ako sa inyo para mabigyan katuparan ang aking mga hiling.
Dalawa lamang po ang aking hiling, sana po mabigyan ninyo ako ng kotseng tatak BMW, yung X6. Lahat po kasi ng barkada ko meron nang sariling ride. Samantalang ako hatid sundo parin ako ng aking nanay. Medyo nakakahiya na po dahil mayroon po akong pinopormahang dalaga. Eh bawas pogi points po pag nakikita nyang sinusundo ako ng nanay ko. Ikalawa at huling hiling ko po ay isang bagong bagong Apple MacbookPro na laptop. Santa kelangan ko po ng laptop dahil mahirap pong gumawa ng Thesis, mga papers para sa iba’t ibang subjects ko. At gusto rin pong makausap na masmadalas ang dream girl ko.
Pangako ko po na hindi ko pababayaan ang pag-aaral ko.
Umaasa at Naghihintay,
Pepe
Alam niyo bang pag-katapos kong isulat tong liham na ito ako ay punong puno ng pagasang mabibigyang katuparan na ang aking mga hiling. Nakakapikon, kasi lahat ng hinigi ko… old school na version ang ibinigay sa akin. Tulad ng hiniling kong BMW na X6. Alam niyo ba kung ano ang ibinigay sa akin? Isang Karuwahe na dinikitan ng logo ng BMW. Anak ng Kwago! At malala pa, naalala niyo sa sulat sabi kong gusto ko ng MacBookPro. Nakow! Ayun binigyan ako ng typewriter na dinikitan ng apple sticker. Nakakabad trip talaga. Tapos meron pang sulat na inipit si Santa. Eto ang nakalagay:
“Pasensya na Pepe. Alam kong ikaw ay isang napakabuting anak at estudyante, pero masyadong mamahalin ang iyong mga hinihiling. Hindi ko maafford eh. Babawi na lang ako sa susunod. Love, Santa. PS: Masarap ang Uraro at gatas ng kalabaw na iniwan mo sa may Christmas tree niyo.”
Naalala ko noong ako ay lumalaki mahilig kaming maglaro ng aking mga kapatid, lalo na ng mga kapatid kong lalaki at ang aming mga kapitbahay. Mahilig talaga ako maglaro noon. Kaya nga madalas akong mapagalitan kapag kakain na at nasa labas pa ako ng bahay at naglalaro. Dahil dito napagisip-isip ko na humanap ng tagong lugar kung saan pwede ko itago ang aking mga laruan at kung saanpwede ko pag-laruan na hindi ako madaling makita.
Noong ako ay 12 taong gulang gumawa ako, sa tulong ng aking mga kalaro mas nakatatanda sa akin ng kaunti, ng maliit na bahay sa ibabaw ng punong manga o “tree house” kung tyawagin, sa tapat ng aming bahay. Ito ay gawa sa pinagdikit-dikit na makakapal na kahoy. May lubid ito sa may pintuan upang makaakyat ako sa ituktok ng puno kung saan nakatayo ang bahay. May isa lamang na maliit na bintana upang makita ko kung ano ang nangyayari sa ibaba at upang pumasok ang hangin.
Naging matagumpay ang plano ko! Hindi ako nakikita agad kapag ako ay naroon, nakakapaglaro pa ako ng husto. Isa pa sa mga bagay na gustung-gusto ko sa “tree house” na iyon ay dahil ramdam ko ang pagiging mataas ko sa mga tao. Maliit lang kase ako kaya naman tuwing nasa “tree house”, sinusulit ko na ang pag-kakataon na ako ay mataas sa kanilang lahat. Ang saya-saya talaga. Mas gusto ko talaga nananatili sa bahay na ginawa ko noon. Para sa akin, noong panahong iyon, nakatira ako sa “dream house” ko.
Ang bilis talaga ng panahon at heto, 2010 na! Kamusta naman ang pagsalubong ninyo sa Bagong Taon? Sa amin masaya. Ang daming pagkain! Tsokolate, malalagkit na pagkain, at marami pang iba. Nagpaputok din kami ng fire crackers. Astig! At siyempre, tumalon noong tumama na sa alas dose ang orasan (alam niyo naman, medyo kapos ako sa height eh, kaya kapag Bagong Taon talaga, umaasa akong tatangkad pa ako. Hihihi)
Pero alam niyo ba kung ano ang pinakaexciting na bahagi ng Bagong Taon para sa akin? Yung paggawa ng New Year's Resolutions! Nakagawian ko na kasi 'to kaya ngayon, hayaan ninyo akong ibahagi ang mga ito. Heto na, game!
Una, magdidiet na ako. Hindi lang diet physically kung hindi diet pati na rin sa paggamit ng internet! Grabe na kasi ang kaadikan ko sa Facebook at Twitter eh. AS IN! Paggising sa umaga at bago matulog, facebook at twitter pa rin. Hardcore mehn.
Ikalawa, magtitipid na ako at bibili na lang ako ng mga gamit na kailangan ko. Take note, kailangan at hindi gusto. Hindi muna ako bibili ng mga libro. Sabi kasi nina Trinidad at Soledad, over na raw ako sa pagbabasa.. kaya raw siguro madalas akong mahilo. (hindi nila alam, madalas akong mahilo dahil sa paglalaro ng kompyuter. shhh)
Ikatlo, lalabas nalang ako ng bansa kung kinakailangan! Tutal, napuntahan ko naman na halos lahat ng mga bansa sa mundo.. tulad ng Espanya, Hapon, Estados Unidos, at Hongkong.
Ikaapat, maghihinay hinay na ako sa paggamit ng cellphone! Ang taas kasi ng bill ko sa Globe. Kasalanan 'to ng BlackBerry eh. Bakit kasi may BB messenger?!
At huli, hindi na ako gagawa ng New Year's resolutions! Eh hindi ko rin naman nagagawa at nasusunod eh. Last na 'to, promise!
Ikaw kaibigan, meron ka bang New Year's resolutions? Kung mayroon, ano ang mga ito? =)
kaninang umaga sinamahan ko si nanay sa palengke upang mamili para sa aming kakainin sa noche buena. sa palaengke nakita kong maraming mga parol at makukulay na mga ornamento para sa pasko. aba! hindi naman ata pahuhuli ang magaling na pepe! iniyakan ko si nanay na bilhan ako ng materyales! lahat na ata ng tao nagsisitinginan pero wala akong pake sa kanila ano! gusto kong ipakita ang galing ko. eh siyempre, short ang badyet ni nay kaya ang afford lang namin eh yung mga plastic straw. gagawa raw kami ng parol. eww gaya nung sa may manila bay?
pagkauwing pagkauwi ay madali kong inilabas ang aking gunting, wala kaming pandikit, sabi ni nanay laway at kanin nalang daw.hay, mahirap talaga pag marami kayong magkakapatid at kukulangin talaga ang badyet pag pasko para lang makakain lahat ng noche buena. oh well. ayun, nagsimula na ako. halos buong araw akong nagsusumikat na gumawa ng parol, naubusan na ako ng laway at hinabol ba ako ni inay dahil mauubos ko na raw ang sinaing niyang kanin. sa huli eh nakabuo naman ako ng parol. yun nga lang.. 2d. hindi 3d. pinagdikit dikit ko lang ang 10 straw, eh yun nalang kasi yung natira, ayaw ko namang pahiyain si inay at walang magawang parol kahit papaano.
natuwa naman si nanay. i think. i think lang ha. alam naman natin ang mga nanay. fickle pag dating sa anak, eh sabi nga niya sa akin nung isang araw may pagasa pa akong maging basketball star tulad nalang ng idol ko na si chris tiu!
Malapit nanaman ang araw ng kapaskuhan at kasabay nito ay ang araw ng aking kapanganakan. Kaya naman sa parating kong kaarawan, sabi sakin ng aking magulang, “anak panahon na para ikaw ay maging isang tunay na Bayani.”
Ano nga ba ang marka ng pagiging tunay Bayani? Ito ang unang tanong na pumasok sa isip ko. Para sa akin ang tunay na bayani ay siyang walang kinakatakutan, palaban sa kahit ano man. Ang tunay na bayani ay siyang nirerespeto ng lahat. Kaya naman inakala kong reregaluhan nila ako ng babae para sa aking kaarawan. Ngunit mas malala pa pala ang aking matatangap bilang regalo, ito ay libreng tuli.
Mag kasamang kaba, takot, tuwa at kabaliwan ang aking nararamdaman sa mga araw na yon. Sabi ko sa aking sarili, ito ay isang “once in a life time opportunity” kaya naman sisiguraduhin ko na perpekto at handa ang lahat.
Una sa aking mga problema ay ang aking abnormally small genitalia. Nung ako ay pinangank, akala nila ay isa akong baby girl sapagkat hindi nila “ito” makita. Kaya naman pinangalanan akong Pepe sa aking binyag. Ilang linggo rin akong nag ehersisyo upang masolusyunan ang problemang ito ngunit sa kasamang palad halos walang improvement. Kaya naman uminom nalamang ako ng pinag babawal na gamot, itago nalang nating sa pangalang Viagra. Plinano ko ring gumamit ng kamatis imbis na dahon ng bayabas dahil sa dalawang rason. Una, pag nangangasim ang aking mukha sa takot, masasabi kong dahil sa asim ng kamatis iyon. Pangalawa, pag nangamatis ang aking genetalia pag tapos ng pag tuli, eh kamatis yung ginamit ko pang dura eh kaya naging ganyan.
Dec 25, araw ng pag tutuli. Heto na si mang Gugulok at inalabas niya ang kaniyang malaking gulok at lahat kami ay napatulala sa takot. “Huwag kayong mag alala,” sabi ni mang Gugulok, “maliit pa itong dala ko.” Handa na ang lahat, nakaupo na ako sa upuan at inilapag ko ang aking genitalia sa mesa. At dahil sa aking pag inom ng gamot namighani silang lahat, at napatulala si mang Gugulok. “Tama ka nga mang, maliit pa yang dala mo” bigkas ko sakanya. Hindi ko lang alam na dahil sa aking gamot ay lalong tumaas ang aking kakayahang pumakiramdam, heightened senses kumbaga. At pag palo ni mang Gugulok, sa sobrang sakit ay ako ay hinimatay. Pag kalipas ng ilang linggo, ng ako ay magising nakita ko nalamang na nawalan na ng bisa ang aking gamot. Oo natuli nga ako, ngunit nalaman rin ng aming sambayanan ang aking pinakatatagong sikreto.
Noon ko nalaman na hindi sa tapang o sa respeto lamang masusukat ang pagiging tunay na Bayani. Hindi rin sa pagiging handa at pagka-perpekto ng mga pangyayari. Ang pagiging tunay na Bayani ay ang pag marka mo ng iyong sarili sa kasaysayan.
Christmas has been always the exciting time of the year for me. I get things from my mom and all the places around the world is so bright during Christmas! It's also very colorful and beautiful in Ateneo with its lights all around. I was so inspired by those lights when I was waiting for my mom to pick me up after the school. I am also writing this poem, wondering what I would get for this Christmas. I don't think Grandpa Santa would give me the stickers of Hannah Montana, which I have been asking from her for years. But oh well, Jonas Brothers would do. Hmm, I really hope that this Christmas, I will be able to figure out my lifetime mystery: if it is really Lolo Santa who brought me all the gifts for Christmas, or it is just my mom who thinks that I've never doubted about this whenever she left her bed when Santa came. Either way, if I could just get the stickers of Hannah Montana, I will be very merry this season. I hope it is really merry time for all people, remembering the birthday of baby Jesus. Merry Christmas to all! :)