Sunday, January 17, 2010

Para sa mahilig magsulat, sa mahilig mag travel around, sa mahilig sa babae at magbabae, sa pambansang bayani ng Pilipinas, sa binaril sa Luneta at ngayon doo'y may rebulto na, sa mga nakulong sa Fort Bonifacio at ipinatapon sa Dapitan, sa magaling magpinta lalung-lalo na ng pera, sa tatay ni Hitler, sa Diyos ng mga Rizalista, sa mga Katoliko, sa mga makabayang di mahusay sa salitang Pilipino, sa mga marunong mag Espanyol at kung anu-ano pang wika, sa mga elitista, sa mga Atenista, sa mga Thomasian, sa mga may nanay na bulag, sa mga doktor, sa mga may palayaw na Pepe, sa mga ipinanganak sa Calamba, sa mga napagkamalang rebelde, sa mga mahilig kumain ngunit tamad magluto...

...kagaya ko...

...Adobo.

May sikreto ako, huwag niyo lang ipagkakalat. Sa totoo lang kahapon ko pa iniluto ang Adobo na ito. Iniinit ko na lang siya ngayon. Kung sana'y mas madaming putahe na kasing daling lutuin at kasing tagal ng buhay ng Adobo'y edi sana hindi ito ang kinakain ko halos araw-araw. Haaay...

Ngunit ayos lang, masarap naman! Kung sa araw-araw ba naman na ginawa ng Diyos ay nagluluto ka ng Adobo, malamang na-master mo na ang timpla at lasang papatok sa madlang-bayan. Sigurado ako na sa ano mang probinsya ng Pilipinas ay bebenta ang aking Chicken and Pork Adobo, na may tamang asim at alat lang. Kung hindi ako sumikat dahil sa pag-sulat ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo, tiyak na sisikat ako dahil sa manamisnamis kong Adobo. Huwag mo nang tanungin ang recipe at tiyak namang di ko ibibigay! Mas sikretong malupit ko pa ito kaysa sa nakabuntis ako ng isang Aleman at si Hitler ang lumabas... Oops!

Nagmamahal sa Adobo,
Pepe

(Freida de Guzman)

No comments:

Post a Comment