Napakasakit ng ulo ko ngayong araw. Sa sobra atang init. Matotosta na ata lahat ng Pilipino dahil sa global warming. Naaalala ko tuloy noong pinanganak ako. Gaya ngayon, mainit ang araw pero malamig ang mga gabi. June baby kasi ako, tapos halos madaling araw na ako ipinanganak. Pumasok ako sa mundong ito malamig-lamig pa ang panahon. Ayos! Matapos ang pagkakakulog ko sa loob ng tiyan ng nanay ko diba? Parang sauna kaya doon! Kaya naman ako atat na atat na makatikim ng malamig na simoy ng hangin.
Naaalala ko pa, dahil sa madilim noon eh punong puno ng mga kandila ang kuwarto kung saan ako ipinanganak. Hindi naman ako masyadong nahirapan lumabas sa mundong ito, biruin mo ba naman, anim kaya sina ate and kuya bago ako dumating, matiyaga mga magulan ko kaya maluwag luwag na yung dadaanan ko.
Pagkalabas na pagkalabas ko ay agad akong umiyak! Eh yung kumadron kaya mukhang mangkukulam! Puwedeng puwede sa mukhasim festival! Imagine mo yun? Unang mukha mong makikita sa mundo ay yung pangit pa! Buti nalang at kinuha ako agad agad ni inay. Hele hele ng kaunti dahil ang cute ko daw na baby, sobrang liit ko daw kaya siguro 4"11 este.. 5" lang ang tangkad ko ngayon.
-Arianne Co
Saturday, November 28, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment