Sunday, January 17, 2010

Para sa mahilig magsulat, sa mahilig mag travel around, sa mahilig sa babae at magbabae, sa pambansang bayani ng Pilipinas, sa binaril sa Luneta at ngayon doo'y may rebulto na, sa mga nakulong sa Fort Bonifacio at ipinatapon sa Dapitan, sa magaling magpinta lalung-lalo na ng pera, sa tatay ni Hitler, sa Diyos ng mga Rizalista, sa mga Katoliko, sa mga makabayang di mahusay sa salitang Pilipino, sa mga marunong mag Espanyol at kung anu-ano pang wika, sa mga elitista, sa mga Atenista, sa mga Thomasian, sa mga may nanay na bulag, sa mga doktor, sa mga may palayaw na Pepe, sa mga ipinanganak sa Calamba, sa mga napagkamalang rebelde, sa mga mahilig kumain ngunit tamad magluto...

...kagaya ko...

...Adobo.

May sikreto ako, huwag niyo lang ipagkakalat. Sa totoo lang kahapon ko pa iniluto ang Adobo na ito. Iniinit ko na lang siya ngayon. Kung sana'y mas madaming putahe na kasing daling lutuin at kasing tagal ng buhay ng Adobo'y edi sana hindi ito ang kinakain ko halos araw-araw. Haaay...

Ngunit ayos lang, masarap naman! Kung sa araw-araw ba naman na ginawa ng Diyos ay nagluluto ka ng Adobo, malamang na-master mo na ang timpla at lasang papatok sa madlang-bayan. Sigurado ako na sa ano mang probinsya ng Pilipinas ay bebenta ang aking Chicken and Pork Adobo, na may tamang asim at alat lang. Kung hindi ako sumikat dahil sa pag-sulat ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo, tiyak na sisikat ako dahil sa manamisnamis kong Adobo. Huwag mo nang tanungin ang recipe at tiyak namang di ko ibibigay! Mas sikretong malupit ko pa ito kaysa sa nakabuntis ako ng isang Aleman at si Hitler ang lumabas... Oops!

Nagmamahal sa Adobo,
Pepe

(Freida de Guzman)

Pasko ni Pepe

Eto ang sulat ko para kay Santa Claus.

Dear Santa Claus,

Ako po si Pepe. Ako ay 18 taong gulang, kasalukuyan po akong nag-aaral sa Ateneo de Manila University, ako ay nasa kolehiyo na. Ako po ay isang dean’s lister. Sumulat po ako sa inyo para mabigyan katuparan ang aking mga hiling.

Dalawa lamang po ang aking hiling, sana po mabigyan ninyo ako ng kotseng tatak BMW, yung X6. Lahat po kasi ng barkada ko meron nang sariling ride. Samantalang ako hatid sundo parin ako ng aking nanay. Medyo nakakahiya na po dahil mayroon po akong pinopormahang dalaga. Eh bawas pogi points po pag nakikita nyang sinusundo ako ng nanay ko. Ikalawa at huling hiling ko po ay isang bagong bagong Apple MacbookPro na laptop. Santa kelangan ko po ng laptop dahil mahirap pong gumawa ng Thesis, mga papers para sa iba’t ibang subjects ko. At gusto rin pong makausap na masmadalas ang dream girl ko.

Pangako ko po na hindi ko pababayaan ang pag-aaral ko.

Umaasa at Naghihintay,

Pepe

Alam niyo bang pag-katapos kong isulat tong liham na ito ako ay punong puno ng pagasang mabibigyang katuparan na ang aking mga hiling. Nakakapikon, kasi lahat ng hinigi ko… old school na version ang ibinigay sa akin. Tulad ng hiniling kong BMW na X6. Alam niyo ba kung ano ang ibinigay sa akin? Isang Karuwahe na dinikitan ng logo ng BMW. Anak ng Kwago! At malala pa, naalala niyo sa sulat sabi kong gusto ko ng MacBookPro. Nakow! Ayun binigyan ako ng typewriter na dinikitan ng apple sticker. Nakakabad trip talaga. Tapos meron pang sulat na inipit si Santa. Eto ang nakalagay:

“Pasensya na Pepe. Alam kong ikaw ay isang napakabuting anak at estudyante, pero masyadong mamahalin ang iyong mga hinihiling. Hindi ko maafford eh. Babawi na lang ako sa susunod. Love, Santa. PS: Masarap ang Uraro at gatas ng kalabaw na iniwan mo sa may Christmas tree niyo.”

Hanggang sa muli kong blog entry!

Xoxo,

Pepe

ang aking munting bahay.

Naalala ko noong ako ay lumalaki mahilig kaming maglaro ng aking mga kapatid, lalo na ng mga kapatid kong lalaki at ang aming mga kapitbahay. Mahilig talaga ako maglaro noon. Kaya nga madalas akong mapagalitan kapag kakain na at nasa labas pa ako ng bahay at naglalaro. Dahil dito napagisip-isip ko na humanap ng tagong lugar kung saan pwede ko itago ang aking mga laruan at kung saan pwede ko pag-laruan na hindi ako madaling makita.

Noong ako ay 12 taong gulang gumawa ako, sa tulong ng aking mga kalaro mas nakatatanda sa akin ng kaunti, ng maliit na bahay sa ibabaw ng punong manga o “tree house” kung tyawagin, sa tapat ng aming bahay. Ito ay gawa sa pinagdikit-dikit na makakapal na kahoy. May lubid ito sa may pintuan upang makaakyat ako sa ituktok ng puno kung saan nakatayo ang bahay. May isa lamang na maliit na bintana upang makita ko kung ano ang nangyayari sa ibaba at upang pumasok ang hangin.


Naging matagumpay ang plano ko! Hindi ako nakikita agad kapag ako ay naroon, nakakapaglaro pa ako ng husto. Isa pa sa mga bagay na gustung-gusto ko sa “tree house” na iyon ay dahil ramdam ko ang pagiging mataas ko sa mga tao. Maliit lang kase ako kaya naman tuwing nasa “tree house”, sinusulit ko na ang pag-kakataon na ako ay mataas sa kanilang lahat. Ang saya-saya talaga. Mas gusto ko talaga nananatili sa bahay na ginawa ko noon. Para sa akin, noong panahong iyon, nakatira ako sa “dream house” ko.


|Paola Balmaceda|

Friday, January 15, 2010

Feliz Ano Nuevo, mga kaibigan.

Ang bilis talaga ng panahon at heto, 2010 na! Kamusta naman ang pagsalubong ninyo sa Bagong Taon? Sa amin masaya. Ang daming pagkain! Tsokolate, malalagkit na pagkain, at marami pang iba. Nagpaputok din kami ng fire crackers. Astig! At siyempre, tumalon noong tumama na sa alas dose ang orasan (alam niyo naman, medyo kapos ako sa height eh, kaya kapag Bagong Taon talaga, umaasa akong tatangkad pa ako. Hihihi)

Pero alam niyo ba kung ano ang pinakaexciting na bahagi ng Bagong Taon para sa akin? Yung paggawa ng New Year's Resolutions! Nakagawian ko na kasi 'to kaya ngayon, hayaan ninyo akong ibahagi ang mga ito. Heto na, game!

Una, magdidiet na ako. Hindi lang diet physically kung hindi diet pati na rin sa paggamit ng internet! Grabe na kasi ang kaadikan ko sa Facebook at Twitter eh. AS IN! Paggising sa umaga at bago matulog, facebook at twitter pa rin. Hardcore mehn.

Ikalawa, magtitipid na ako at bibili na lang ako ng mga gamit na kailangan ko. Take note, kailangan at hindi gusto. Hindi muna ako bibili ng mga libro. Sabi kasi nina Trinidad at Soledad, over na raw ako sa pagbabasa.. kaya raw siguro madalas akong mahilo. (hindi nila alam, madalas akong mahilo dahil sa paglalaro ng kompyuter. shhh)

Ikatlo, lalabas nalang ako ng bansa kung kinakailangan! Tutal, napuntahan ko naman na halos lahat ng mga bansa sa mundo.. tulad ng Espanya, Hapon, Estados Unidos, at Hongkong.

Ikaapat, maghihinay hinay na ako sa paggamit ng cellphone! Ang taas kasi ng bill ko sa Globe. Kasalanan 'to ng BlackBerry eh. Bakit kasi may BB messenger?!

At huli, hindi na ako gagawa ng New Year's resolutions! Eh hindi ko rin naman nagagawa at nasusunod eh. Last na 'to, promise!

Ikaw kaibigan, meron ka bang New Year's resolutions? Kung mayroon, ano ang mga ito? =)

- Nona Ortico