Napakasakit ng ulo ko ngayong araw. Sa sobra atang init. Matotosta na ata lahat ng Pilipino dahil sa global warming. Naaalala ko tuloy noong pinanganak ako. Gaya ngayon, mainit ang araw pero malamig ang mga gabi. June baby kasi ako, tapos halos madaling araw na ako ipinanganak. Pumasok ako sa mundong ito malamig-lamig pa ang panahon. Ayos! Matapos ang pagkakakulog ko sa loob ng tiyan ng nanay ko diba? Parang sauna kaya doon! Kaya naman ako atat na atat na makatikim ng malamig na simoy ng hangin.
Naaalala ko pa, dahil sa madilim noon eh punong puno ng mga kandila ang kuwarto kung saan ako ipinanganak. Hindi naman ako masyadong nahirapan lumabas sa mundong ito, biruin mo ba naman, anim kaya sina ate and kuya bago ako dumating, matiyaga mga magulan ko kaya maluwag luwag na yung dadaanan ko.
Pagkalabas na pagkalabas ko ay agad akong umiyak! Eh yung kumadron kaya mukhang mangkukulam! Puwedeng puwede sa mukhasim festival! Imagine mo yun? Unang mukha mong makikita sa mundo ay yung pangit pa! Buti nalang at kinuha ako agad agad ni inay. Hele hele ng kaunti dahil ang cute ko daw na baby, sobrang liit ko daw kaya siguro 4"11 este.. 5" lang ang tangkad ko ngayon.
-Arianne Co
Saturday, November 28, 2009
Sunday, November 15, 2009
Leche! Leche!
¡Hola! ¿Cómo estás?
Ako heto at katatapos lang manood ng One Mom and Three Dads, ang sikat na Koreanovelang palabas ngayon sa ABSCBN. Ang ganda nga ng kabanata kanina eh, natuto na kasi magsalita iyong sanggol ni Song Na Young. Ewan ko ba, pero natutuwa talaga ako kapag nakakakita ako ng mga sanggol. Lalo na yung mga sanggol na naguumpisa palang magsalita. Naaalala ko kasi ang aking kabataan. Sabi ng aking inang si Teodora Alonso (nakakatamad isulat ang buo niyang pangalan, napakahaba kasi!), hindi raw pangkaraniwang salita ang una kong binigkas noong ako ay 8 buwang gulang. Hindi ba kapag "first word", dapat mga "mama" or "papa" ang unang nabibigkas mo? Ako hindi. Sayang nga eh, sana "mama" o "papa" nalang ang una kong natutunang salita.. baka kung ganoon, binigyan pa sana nila ako ng mga regalo sa tuwa. Pero hindi eh. Oh well.
Ang unang salitang natutunan kong bigkasin ay ang salitang "leche". Oo, leche.. o gatas sa Tagalog. O ha, akala mo mura noh. Good boy yata 'to!
Sabi ni mama, mahilig daw talaga ako sa gatas. Umaga, tanghali, merienda, hapunan.. gatas lang solve na ako. Naririndi na nga raw siya sa akin kakasigaw ng "Quiero leche! Quiero leche!". Kaya nga yata sumobra ang talino ko. Pero, hindi lang naman sa gatas kung bakit ako naging matalino eh. Siyempre, nandyan din ang aking mabutihing ina na nagsilbing unang guro ko. Salamat sa kanya at nahasa ako sa iba't ibang gawain tulad ng pagsusulat, pagpipinta, pagbuo ng musika, pagguhit, at marami pang iba!
Ginuhit ko ito noong ako ay dalawang gulang pa lamang. Hindi ko na nga maalala kung saang parte ng Calamba iyan. Basta ang alam ko, ginuhit ko ito pagkatapos namin magsimba ni nanay. Binilhan niya kasi ako ng bagong krayola noong araw na iyon kaya natatandaan ko pa. Hehe. Oo nga pala, trivia lang, kaya kong gumuhit ng ibang mga larawan nang hindi itinataas ang aking lapis.
O diba puede na pang Nido commercial! Ayos na ayos. Ikaw, ano ang unang salitang binigkas mo? Huwag kang mahihiyang magkomentaryo ha. Friends tayo lahat dito. :)
Nona Ortico

Subscribe to:
Posts (Atom)